Mga Mabuti at Masamang Impak ng paggamit ng Smartphone sa mga Mag-aaral
Maraming bagay ang maaaring matutunan sa simpleng paggamit ng mga apps sa inyong smartphoone. Bukod kasi sa compact at handy ito, mas madali kang makakakuha ng impormasyon galing sa Internet kaysa sa kompyuter gamit ang mga apps tulad ng Google Chrome at iba pa. Nagkakaroon rin ng interaksyon sa ibang tao sa tulong ng mga social media apps tulad ng Facebook, Messenger at iba pa na kung saan pwedeng makahalubilo ang iba't-ibang tao at magkaroon ng maraming kaibigan. May mga laro at mga entertainment apps naman na pwedeng makatanggal ng stress at maging pampalipas oras ng mga estudyante.
Mabuting Epekto:
Masamang Epekto:
Ang sobra-sobrang paggamit naman ng smartphone ang nagiging puno't dulo ng probema dahil kadalasa'y hindi na naaasikaso ang ibang hilig dahil sa pagbababad sa mga apps na pwedeng maging rason ng mga personal na problema tulad ng kawalan ng oras sa ibang tao, pag-aaral at tulog o pagpupuyat at pagdagdag sa stress na nagiging rason ng pagiging bugnutin o pagiging mainitin ang ulo na minsa'y pwedeng makaapeto sa pakikihalubilo sa ibang tao sa personal o digital man na pamamaraan at sa pag-aaral ng isang estudyante.