Smartpones: Mabuti o Masama sa Pag-aaral?
Sa mabilis at globalisadong mundo ngayon, halos imposible na isipin ang ating pang araw-araw na buhay na walang mga mobile phone. Ang mobile phones ay isa sa pinakamatagumpay na imbensyon ngayong ika-20 siglo, na naging isang madaling paraan ng komunikasyon. Ang mga modernong mobile phones ay may iba’t ibang tungkulin na nagiging kapakipakinabang sa mga gumagamit nito. Ang mga mobile phones na ito ay mayroong mga aplikasyon na nakapaloob dito. May mga aplikasyon sa smartphone na nagagamit para sa sariling kasiyahan lamang o kaya kasali ang kanilang mga kaibigan tulad ng mga laro at social media na aplikasyon sa smartphone. Ang diksyunaryo at iba pang app na pang-edukasyon ay nakakatulong sa kanilang pag-aaral. (Oza, 2017).
Ngunit sa kabila nito, ang paggamit ng mobile phones ay nababago ang kanilang pag-uugali tungo sa kanilang kapwa sa pamamagitan ng mga aplikasyon na kanilang nagagamit. Ang mga mga aplikasyon sa smartphone ay maaring magdulot ng mabuti at masamang impak. Maari nilang gamitin ang mga pag-uugali sa social media o mga laro sa kanilang pakikitungo. Nasasalamin sa kanilang mga aplikasyon sa smartphone ang mga interes nila sa mga bagay bagay at maari itong iugnay sa kanilang mga kilos tulad ng pagkonti ng oras nila sa pakikihalubilo sa iba. (Japheth, 2017)
VISIT
US
Monday - Friday 11:00 - 18:30
Saturday 11:00 - 17:00
Sunday 12:30 - 16:30