Paglalahad ng Suliranin
Maisasakatuparan ang layunin ng pag-aaral na ito kung makakakuha ng sapat na datos at kung masasagutan ang mga sumusunod na katanungan sa suliranin ng pag-aaral:
-
Ano-ano ang mga aplikasyon sa smartphone na ginagamit ng mga Grade 11 Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM)?
-
Ano-ano ang mga pinakaginagamit na aplikasyon sa smartphone ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa larang na Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM)?
-
Ano ang impak ng paggamit ng mga aplikasyon sa smartphone sa paghubog ng personalidad ng mag-aaral sa Grade 11 sa larang na Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM)?
a. Paboritong Gawain
b. Pag-uugali
c. Pakikipag-usap sa iba
d. Pananamit
​​
Layunin ng Pag-aaral
Layunin ng Pag-aaral
Nais matupad ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin:
-
Malaman kung ano-ano ang mga aplikasyon sa smartphone at maipakita ang mga kategoryang pinakaginagamit ng mga Grade 11 sa larang na Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM).
-
Matukoy kung ano ang mga pinakaginagamit at hindi gaanong ginagamit na mga aplikasyon sa smartphone.
-
Matalakay ang mga impak sa paggamit ng mga aplikasyon sa smartphone sa paghubog ng personalidad ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa larang na Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM).
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Kategoryang Pinakaginagamit ng mga Mag-aaral ng Grade 11 sa Larang na Science, Techonology, Engineering and Mathematics (STEM)
Inilalahad sa pigura 3 ang kategoryang pinakaginagamit ng mga mag-aaral. Ipinapakita na apatnapung porsyento (40%) ng mga mag-aaral ay nakatala na ang pinakaginagamit nilang aplikasyon ay nasa Social Life. Dalawampu’t-pitong porsyento (27%) ang naitala na nagsasabing pinakaginagamit nilang aplikasyon ay nasa kategoryang Education. Labingwalong porsyento (18%) ang naitala na nagsasabing pinakaginagamit nilang aplikasyon ay nasa kategoryang Games at labinlimang porsyento (15%) ang naitala na nagsasabing pinakaginagamit nilang aplikasyon ay nasa kategoryang Entertainment.
Sa resulta ng pananaliksik ay nag-aayon sa pagaaral ni Quey Quintos (n.d.), inilahad na ang Social Media o Social apps ay nakatutulong at mayroong positibong impak ang paggamit nito sa pamumuhay ng mga mag-aaral. Lumabas sa kanilang pag aaral na karamihan sa kanilang mga respondante ay mahuhumaling sa mga Social Media apps at di lahat ng social apps ay parating ginagamit ng mga mag aaral. Animnapu’t anim ng porsyento (66%) ang nagsabi na ang pinakaginagamit na aplikasyon ng mga mag aaral ay Facebook. Ipinapakita lamang nito na ang mga mag aaral ay mas pinipili ang paggugol sa mga Social Life na aplikasyon kaysa sa ibang mga apps.
Bilang ng mga Aplikasyon sa Smartphone na ginagamit ng mga Mag-aaral sa bawat Kategorya
Sa Talahanayan Blg. 1 ay nagpapakita ng Bilang ng mga Aplikasyon sa Smartphone na ginagamit ng mga Mag-aaral sa bawat Kategorya. Naitala na mula sa animnapung (60) respondante, sa Kategoryang Social Life ang pinakaginagamit na aplikasyon sa kategoryang ito ay ang Messenger, kung saan apatnapu’t siyam (49) ang gumagamit nito. Ang pinaka hindi ginagamit na app ay ang Gmail, kung saan walo (8) lamang. Sa kategoryang Games, dalawampu’t tatlo (23) ang pumili ng Mobile Legends bilang pinakaginagamit na aplikasyon habang ang Arena of Valor at Angry Birds na parehas na ginagamit ng tatlong (3) respondante ang hindi masyadong ginagamit na app. Sa kategoryang Education, limampu’t isa (51) ang pumili ng Merriam Webster bilang pinakaginagamit na aplikasyon habang walang naitalang gumagamit ng app na Quizlet. Sa kategoryang Entertainment, limampu’t anim (56) ang pumili ng YouTube bilang pinakaginagamit na aplikasyon habang ang Netflix na ginagamit ng tatlong (3) respondante ang hindi masyadong ginagamit na app.
​
Sa resulta ng pananaliksik ay nag-aayon sa pagaaral ni Jewel Briones (n.d.), lumabas na ang bawat kabataan ay mayroon nang kanya-kanya nilang mga social media account. Karamihan ng mag aaral ang nagsabi na na Facebook ang pinakagimnagamit na aplikasyon. Ayon sa resulta ng kanilang pag aaral, ipinapakita na ang naitalang pinakaginagamit na aplikasyon sa smartphone ay ang Facebook, Google at Gaming App, kung saan ito ay nakapaloob sa mga nasabing kategorya sa pananaliksik.
Impak ng Aplikasyon sa Smartphone sa Paghubog ng Personalidad ng mga Mag-aaral sa Grade 11 sa Larang na Science, Techonology, Engineering and Mathematics (STEM)
Inilalahad sa pigura 4 ang impak ng mga aplikasyon sa smartphone sa paghubog ng personalidad ng mag-aaral. Ipinapakita na limampu’t siyam porsyento (59%) ng mga mag-aaral ay naapektuhan ang paggamit ng mga aplikasyon sa smartphone ang kanilang mga hilig. Dalawampung porsyento (20%) ng mga mag-aaral sa grade 11 sa larang na STEM ay nakakapagpabago at nakakaapekto sa kanilang pag uugali. Naitala naman na labing-tatlong porsyento (13%) ay nagsasabing nakakaapekto ito sa pakikipaghalubilo nila sa kapwa tao at walong porsyento (8%) ang bahagdan na nagsasabing nakakaimpluwensiya ang mga aplikasyon sa smatphone sa paraan ng istilo ng kanilang pananamit
Impak ng Paggamit ng mga Aplikasyon sa Smartphone sa Paghubog ng Personalidad
Ipinapakita sa Talahanayan Blg. 2 ang impak ng mga aplikasyon sa smartphone na hinati sa apat na magkakahiwalay na uri o epekto nito sa mga respondante. Dito, makikita na sa karaniwan sa mga epekto sa mga paboritong gawain o hilig ng mga respondante ay ang pagkawala ng oras para asikasuhin ang ibang hilig at ang ginagamit ng mga apps ay malinaw na indikasyon ng kanilang hilig sa buhay. Sa epekto sa pag-uugali, maraming nagsabi na maraming bagay na nagiging impluwensiya sa kanilang buhay ang kanilang napupulot sa paggamit ng mga aplikasyon sa mga smartphone. Sa pakikihalubilo sa iba, halos lahat ng mga respondante ang nagsasabing dahil sa paggamit nila ng mga smartphone apps, marami silang natututunan na nagdudulot ng pagdami ng kanilang mga kaibigan. Sa pananamit naman, maraming natututunan na mga istilo at mga inspirasyon sa fashion ang nakukuha ng mga respondante sa simpleng paggamit ng smartphone.
​
Sa resulta ng pananaliksik ay nag-aayon sa pagaaral ni Anna Detorres (n.d.), napag-alaman na kung saan napapadali ang mga gawain sa iba’t-ibang asignatura, napapadali rin ang kanilang pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ngunit sa kabaling dako, nagiging bulag ang mga estudyante sa maaaring dulot nito o epekto nito sa kanilang pag-aaral at pag-uugali. Kabilang dito ang kinahihiligan mga larong online, pakikisalamuha sa kapwa at madalas na pagbisita ng kanilang account sa social media. Dahil dito mayroong impak ito sa kanilang personalidad bilang isang katauhan. Isa ring pag aaral na ayon kay Jess Bolluyt (January 2017), ang paggamit ng mga aplikasyon sa smartphone ay nababago ang paraan kung paano tayo hinahatulan ng iba kasali na ang personalidad natin. Pinaliwanag naman ni Shana Lebowitz na “may ilang pananaliksik na posible na magkaroon ng hinuha ng personalidad ng isang tao base sa kanyang relasyon sa paggamit ng mga aplikasyon sa smartphone”.