Ang Epekto ng Paggamit ng Smartphone sa Loob Ng Klase sa mga Mag-Aaral sa College of Technological Sciences-Cebu sa Kursong Automotive S.Y. 2016-2017
Ayon sa pag aaral nina Jhonriel Aranas (2017), sa panahon ngayon ay namulat na ang mga kabataan sa makabagong teknolohiya tulad ng smartphone, laptop, ipod at iba pa. Kaya lingid na sa ating kaalaman na bawat estudyante na pumapasok sa paaralan ay may kanya-kanyang smartphone. Maraming estudyante ang bumabagsak sa klase dahil ginagamit lang ito sa pagpapahayag ng saloobin ng mga indibidwal sa pang komunikasyon sa mundo dahil ito na ang pinakasikat na paraan ng pakikipag kumunikasyon sa ating henerasyon.
Sa henerasyon ngayon marami ng mga gadget ang ginagamit sa loob ng paaralan katulad ng laptop, tablet, smartphone at maraming pang iba. Mas mapadali na ng mga estudyante ang paggawa ng mga thesis dahil sa tulong ng mga teknolohiya nito
Aranas J. et al.;(2017), Ang Epekto ng Paggamit ng Smartphone sa Loob Ng Klase sa mga Mag-Aaral sa College of Technological Sciences-Cebu sa Kursong Automotive S.Y. 2016-2017, pp 1-2
_______________________________________________________________________________________________
Epekto ng Teknolohiya sa Patuloy na Paghubog sa Ugali/Personalidad ng mga Kabataan mula sa Senior Hayskul ng Immaculate Conception Acedemy, Dasmañas
Ayon sa pag aaral nina Jewel Briones (2017), mas higit na madami ang mga kabataang gumagamit ng teknolohiya kaysa sa mga hindi o minsan lang gumamit ng maka-teknolohiyang mga gadyet. Kadalasan ay smartphones ang ginagamit ng mga kalahok sa pag-aaral dahil madali lang dalhin kahit saan ang mga smartphone. Ang bawat kabataan ay mayroon nang kanya-kanya nilang mga social media account. Importante at nakakatulong ang teknolohiya dahil sa napapadali nito ang buhay, gaya ng pakikipag-usap sa iba at madali na makakuha ng impormasyon gamit ang teknolohiya ngayon.
Briones, Jewel, et al., 2017, Epekto ng Teknolohiya sa Patuloy na Paghubog sa Ugali/Personalidad ng mga Kabataan mula sa Senior Hayskul ng Immaculate Conception Acedemy, Dasmañas, Pp. 41
_______________________________________________________________________________________________
Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa mga Mag-Aaral ng Senior High School na Ika-Labing Isang Antas
Sa pagaaral ni Anna Detorres (n.d.), ang makabagong teknolohiya sa panahon ngayon ay may malaking tulong sa mga estudyante lalo na sa kanilang pag-aaral. Napapadali ang kanilang mga gawain sa iba’t-ibang asignatura, napapadali rin ang kanilang pakikipag ugnayan sa iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang panig ng mundo kahit na hindi nila kakilala. Ngunit sa kabaling dako, nagiging bulag ang mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa kanilang pag-aaral at pati na rin sa pag-uugali. Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay na produkto ng makabagong teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Mas napagtutuonan nila ng pansin ang paglalaro ng iba’t-ibang uri ng online games at pagbisita ng kanilang account sa iba’t-ibang sites. Dahil dito, napapabayaan na ang kanilang pag-aaral at nababago rin ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa.
Detorres, A. B. et a., (n.d.). Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa mga Mag-Aaral ng Senior High School na Ika-Labing Isang Antas pp. 4
_______________________________________________________________________________________________
Mobile phone app Magpapaunlad sa kakayanan ng mga Atletang Pino
Sa pagdiriwang ng National Science and Technology Week noong nakaraang Hulyo, ipinakilala ng Department of Science and Technology (DOST) ang Mii-move, ang kumpanyang magbibigay ng pagkakataon sa mga sports enthusiast na maturuan ng pinakamagagaling na mga atleta at coach sa buong mundo sa pamamagitan ng isang mobile phone app. Gamit ang aplikasyon maaari nang magrekord ng video gamit ang iPhone o iPad habang naglalaro. Nag tataglay din ito ng tinatawag na Voice Command na nakonekta sa headset ng Bluetooth upang makapagrekord ng video ang mga sports enthusiast kahit sa malayo. Ang aplikasyon ay maaaring maging daan upang makahanap ng mga atletang may potensyal na magbigay ng karangalan sa bansa. Oportunidad rin ito para sa mga atleta na makakuha ng kaalaman mula sa mga professional athete at coach ng hindi kinakailangan pang umalis ng bansa o gumastos ng malaking halaga para anyayahan silang magkaroon ng mga sports clinic sa bansa. (Marfal, 2012)
Marfal, A. V. (2012). Mobile phone app Magpapaunlad sa kakayanan ng mga Atletang Pinoy (9th ed., Vol 3 p.3)
_______________________________________________________________________________________________
Ang Epekto ng Larong Online sa Performance ng mga Estudyante sa Senior Highschoo
Ayon kay Jake Nolven (n.d.), ang computer games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang. Masaya at nakalilibang ang pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin. Ngunit ito din ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon. Ang Online Game ay isang laro na gumagamit ng iba't ibang uri ng computer network. Madalas na ginagamit dito ang Internet o kahit anong pang katumbas na teknolohiya, subalit nagagamit naman ng mga laro ang kahit anong teknolohiya meron. hindi mapaghihiwalay ang violent video games sa pagiging marahas ng mga kabataan. Hindi makakaila na may epekto ang paglalaro ng video games sa emosyon ng maraming kabataan. Mas tumitindi ang masamang epekto ng mga mararahas na video games sa buhay ng isang kabataan kung nararanasan at nakikita niya rin ang mga bagay na ito sa kaniyang buhay at paligid. Dahil sa paglalaro ng mga estudyante ng online games, napapadalas na ang pagliban nilasa klase at ito ay nakakabahala sa kanilang mga magulang at paaralan.
Nolven, J. (n.d.). " Ang Epekto ng Larong Online sa Performance ng mga Estudyante sa Senior Highschool pp.1,4-6
_______________________________________________________________________________________________
EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAMUMUHAY NG MGA MAG-AARALNG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY
Ayon sa pag aaral nina Quey Quintos (n.d.), ang Social Media o Social apps ay nakatutulong at mayroong positibong impak ang paggamit ng social sa pamumuhay ng mga mag-aaral. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga magiging epekto sa kanilang pag aaral at pamumuhay ay dapat di pagsawalang bahala. Ang pagkontrol sa sarili tungo sa paggamit ng Social Media ay isang mabisang paraan upang maibaling ang atensyon sa iba pa at mas importanteng gawain na makakatulong sa kanilang pag aaral at pamumuhay.
Quintos, Q. (n.d.). EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAMUMUHAY NG MGA MAG-AARALNG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY
_______________________________________________________________________________________________
Comments