Akda ng Isang Teleponong Selular
Araw araw dala ko ito, kahit saan ako pumunta. Mula sa paggising sa umaga ay gamit at dala ko na ito. Pumunta man ako sa kusina para kumain, sa sala o maging sa palikuran ay dala ko at hindi ko ito maalis o mabitawan man lang. Ito rin ay isa sa mga dahilan ng aking paggising sa umaga dahil ito ay nagsisilbing alarm clock ko para gumising ng maaga at pumasok sa eskwelahan.
Ano nga ba ang Teleponong Selular o mas kilala nating 'cellphone'? Ito ay gadget na gamit sa pakikipag-komunikasyon. Madali itong dalhin dahil gawa ito sa light materials. Kaya maaari mo itong ilagay sa bag o sa bulsa at dalhin kahit saan at kahit kailan mo gustuhin. Iba na nga ang nagagawa ng teknolohiya ngayon, ang mga luma ay nababago. Maaaring gamitin ang teleponong selular sa isang malawak na kalawakan, hindi katulad ng mga tradisyonal na teleponong may kawad na mga limitado ang sakop ng senyales nito.
Maraming gamit ang teleponong selular o cellphone. Marami ring serbisyo ang sinosoportahan ng mga teleponong selular, tulad na lamang ng pagmemensahe o text messaging sa ingles kung may gusto ka mang sabihin sa iba at hindi mo sila makausap agad dahil nasa malayo ito maaari mo ito magamit, elektronikong liham o e-mail, maaari ka ring mag internet sa pamamagitan ng teleponong selular. Maaari kang makapag-search, halimbawa ay para sa paggawa mo ng takdang aralin sa iba't ibang asignatura. Gamit rin ang teleponong selular, maaari kang kumuha ng mga imahe o litrato o kaya naman ay mag-record ng video. Gamit pa rin ang teleponong selular, maaari ka ring makinig ng mga paborito mong mga kanta gaya ng lagi kong ginagawa, panonood ng mga palabas o mga iba't ibang pelikula. Kung ikaw naman ay naiinip at walang magawa maaari kang makapaglibang o kaya naman maglaro ng mga iba't ibang games o mga apps sa selpon. Mahalaga ito para sa akin dahil ang selpon ang nagsisilbing koneksyon sa amin ng mga taong malayo sa akin, gaya na lamang ng aking ama na nasa ibang bansa. Sa pamamagitan nito nakakausap at nakikita ko ang aking ama. Para sa akin, isa ito sa mga bagay na aking pinaka-iingatan ata ayaw kong mawala dahil ito ay iniregalo sa akin ng aking mga magulang, pinapahalagahan ko ang mga bagay na ibinibigay nila sa akin tulad nga ng selpon.
Sa paggamit ng selpon hindi lang laing positibo ang dulot nito sa atin dahil may mga negatibong epektibo din ang patuloy na paggamit ng teleponong selular. Minsan ay hindi natin nagagawa ang mga bagay na nakaatas sa atin dahil babad sa paggamit ng selpon. Masama rin ito sa ating kalusugan dahil sa radiation. Nagiging epekto rin ito ng paglabo ng mga mata. Nakaka-adik? Oo, lalo na ngayon panahon na halos mga kabataan ay may mga selpon na nagiging dahilan ng pagbaba ng mga marka dahil araw araw, oras oras ay tutok sila sa kanilang mga selpon. Nakakadistrak din ito halimbawa na lamang sa gitna ng klase, simbahan at iba pa.
Kahit na may mga negatibong epekto ang paggamit ng selpon ay hindi pa rin natin maiwasang gamitin ito. Mapa sa bahay man, sa eskwelahan, sa mall, o kahit saang lugar at kahit anong oras ay dala natin ito. Kung ako man ay tatanungin kung ang paggamit ba ng selpon ay nakakabuti, para sa akin ang aking masasabi– dahil isa rin ako sa tumatangkilik nito, nasa sa atin, nasa sa iyo kung papaano mo ito gagamitin ng maayon at gagamitin sa tamang lugar.
Onofre H., (January 2015), Akda ng Isang Teleponong Selular, Retrieved from http://a118ika-walonggrupofilbas.weebly.com/mga-sulatin/akda-ng-isang-teleponong-selular
______________________________________________________________________________________________
Bakit ka may cellphone? Bakit halos lahat ng tao meron nito? Alamin...
Ilang taon ka na bang gumagamit ng Cellphone?
Ano ba ang gamit ng Cellphone at halos lahat ng tao ay meron nito, parmihan at pagandahan pa ng Unit?
Sariwain muna natin ang mga naunang naimbentong uri ng cellphone...
📷Evolution of CellphoneAng Mobile Phones o Cellular Phones/Cellphones ay isang gamit na pwedeng makatawag at tumanggap ng tawag sa pamamagitan ng telephone calls.
Kung mapapansin natin, napakabilis ng pagbabago sa pagtaas ng klase ng kalidad ng mobile phones ngayon. Kung nuon tawag lang ang pwedeng gawin ng cellphone hanggang pwede ka na din magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng SMS o Text Message. Ngayong bagong henerasyon marami na ang pwedeng gawin ng mga makabagong mobile phones, pwede ka nang...
📷1. Tumawag (voice call & video call)
2. Text Messaging (SMS)
3. Magpadala ng picture (MMS)
4. Makinig ng Music
5. Maglaro ng games
6. Mag-picture ng unlimited (selfie)
7. Pwede ka na mag-send ng emails
8. Pwede ka na magdownload (music, pictures, videos, ebooks, app etc.)
9. Pwede ka na mag-internet
10. Pwede ka na mag-edit ng pictures
11. Pwede ka mag-record ng videos
12. Pwede ka na mag Facebook, Instagram, Twitter etc.
13. Pwede ka na manuod ng Videos/Movies
14. Pwede ka pa gumawa ng Documents (docs, ppt, spreadsheet, etc.)
15. Pa touch & swipe ka na lang
Ilan lamang yan sa pwedeng gawin ng mga makabagong klase ng mobile phones ngayon, kaya kinahuhumalingan ng marami ang pagbili ng mga ito kahit sobrang mahal.
Aminin natin na ang cellphone bahagi na ng mga pangangailangan natin. Isipin mo ito: "Pagtulog mo anong huling hawak mo? diba cellphone mo. Sa umaga anong unang hawak mo? cellphone mo pa din tama?" or "kapag naiwan mo cellphone mo sa bahay nyo, sa tingin mo babalikan mo pa ba? Syempre oo!"
*PS: Kung may karagdagang kaalaman ka na pwede mong ibahagi patungkol sa makabagong katangian ng cellphone mo, mag iwan ka na lang ng comment sa baba, I will appreciate it! :) Yours for a great success,
Tejada J., (January 2014), Bakit may Smartphone? Gaano ba ito kahalaga sa buhay. Retrieved from http://jezie-tejada.blogspot.com/
______________________________________________________________________________________________
Guro gumawa ng mobile app para sa mga estudyante ng Senior High
Kevin Dinglasan, ABS-CBN News
Posted at Jan 10 2018 11:33 PM
Share
Isang guro sa Bauan, Batangas ang gumawa ng libreng mobile application para sa mga estudyante at guro ng senior high school.
Ayon sa gurong si Ma. Leticia Jose "Bonsai" Basilan, hindi siya ganoong "techie" at produkto lamang ng isang action research ang kanyang mobile app na "Libro ni Bonsai."
"Kinompile ko siya, binigay ko nang libre yung mga books na sinulat ko at inupload ko siyang lahat doon. Nandito yung mobile offline application. Once na nakuha mo na yung content, you can access it freely,” ani Basilan.
Mabilis ma-access ang mobile app at user-friendly ito.
Pagkatapos madownload ang mobile application sa Google Play o App Store, maaari na itong gamitin. Isang pindot lang sa icon, lalabas na ang iba't-ibang aralin, instructional materials sa kahit na anong file format na ginagamit sa senior high school na pwedeng idownload at i-share.
Mananatili naman umanong libre ang application hangga’t kaya itong tustusan ni Balisan.
“Hangga’t nasusuportahan ko pa siya ibigay ko na ngayon pa lang. Nakarating na siya sa Nueva Ecija, Cebu, Iligan. Mga Bisaya yung nagmemessage sa akin, ang ibig sabihin ay salamat at naiintidihan ko yun,” ani Balisan.
Lubusan naman ang pagpapasalamat ng Grade 11 student na si Mercy Roxas sa malaking tulong ng mobile app sa pagsasaliksik.
Aminado ang Grade 11 student na si Mercy na nahihirapan sila minsan pagdating sa paghahanap ng references sa mga aralin sa senior high school.
“Very helpful siya sa mga students kasi halos lahat ng subjects nandito na. Noon nahihirapan kami kasi kailangan mo pang i-search at mag-internet, magpaload, magcomputer shop," aniya.
Ganito rin ang opinyon ng senior high school teacher na si Emily Abanes.
“Napaka-accesible niya at napakahelpful niya sa akin bilang teacher. Pagkadownload ko magtuturo na ako, ikokonek ko na siya sa projector o TV, pwedeng-pwede nang gamitin,” aniya.
Dinglasan, K. (2018, January 10). Guro, gumawa ng mobile app para sa mga estudyante ng senior high. Retrieved from https://news.abs-cbn.com/trending/01/10/18/guro-gumawa-ng-mobile-app-para-sa-mga-estudyante-ng-senior-high
_______________________________________________________________________________________________
Labis na paggamit ng gadgets, ano ang epekto sa mga bata?
ABS-CBN News
Posted at Jul 23 2017 03:11 PM
Naging trending kamakailan sa social media ang post ng isang nanay tungkol sa pangingisay ng kanyang anak dahil umano sa labis na paggamit ng gadgets.
Ayon naman kay Dr. Mark Reysio-Cruz, isang developmental pediatrician, hindi direktang sanhi ng pangingisay ang paggamit ng mga gadget.
"As the doctor mentioned, wala naman talagang direct evidence. Although, there are seizures na nati-trigger ng sa ilaw, iyong blinking lights. These gadgets emit din radiation, so di pa natin talagang naaaral iyang mga ganyan, but certainly, we have to be vigilant," ani Reysio-Cruz.
Hindi pa man napatutunayan kung nakapagdudulot ng pangingisay ang labis na paggamit ng gadgets, mayroon namang ibang pag-aaral tungkol sa iba pang epekto nito sa mga bata.
Isa rito ang maaaring epekto sa kakayahan ng batang makitungo sa kapwa.
Maaari ring ma-delay ang pagpapaunlad sa memorya at sa kakayahang magplano at mag-focus ng bata. Dulot ito ng kawalan ng panahon na matuto pa ng ibang bagay.
"Ang brain development ng bata early on, napakabilis. As the child is growing, kailangan ng stimulation, and the main one would be environmental. Environment would include touch, social human interaction, movement, nature. 'Yon ang nawawala pag nagga-gadget sila," ayon kay Reysio-Cruz.
Maaari rin maapektuhan ang kakayahang makipag-usap at maging bihasa sa paggamit ng wika.
"Hindi na nga nagsasalita, tapos nanonood pa sila ng mga hindi nagsasalita rin, lalong di nasi-stimulate 'yong language nila, so it results in delays."
Dahil din hindi na aktibo sa paglalaro o paggawa ng iba pang physical activities, nagiging sobra sa timbang ang bata.
Ayon sa doktor, inilabas sa isang pag-aaral na 30% ng mga madalas gumamit ng mga gadget ang nagiging 'obese' o sobra sa timbang. Kalaunan, maaari itong magdulot ng stroke, high blood, o heart attack.
Kapag naman hinayaang gamitin ang gadget habang nasa higaan o nasa kuwarto kung gabi, madalas na nababawasan ang oras ng tulog o tuluyan nang hindi nakatutulog ang bata.
Inirerekomenda naman ng American Academy of Pediatrics na huwag ipagamit ang mga gadget sa mga batang may edad 0-2 years old. Maaari namang ipagamit ito sa mga edad 3-5 nang hanggang isang oras kada araw. Hanggang dalawang oras naman kada araw para sa mga edad 6 hanggang 18.
Payo ni Reysio-Cruz, kapag inalis ang gadget mula sa bata, mainam na bigyan ng ibang aktibidad na ipapalit dito, tulad ng paglalaro ng sports o kaya nama'y hikayatin ang batang magbasa at matuto sa sining gaya ng pagguhit o pagpinta.
Makatutulong din ito sa kalusugan at sa pagpapaunlad ng pag-iisip ng bata.
ABS-CBN News. (2017, July 23). Labis na paggamit ng gadgets, ano ang epekto sa mga bata? Retrieved from https://news.abs-cbn.com/life/07/23/17/labis-na-paggamit-ng-gadgets-ano-ang-epekto-sa-mga-bata)
_______________________________________________________________________________________________
App na Target Padaliin ang Paghahanap ng Trabaho Inilunsad
ABS-CBN News
Posted at Aug 30 2018 08:37 PM
Isang technology company ang nakahanap ng oportunidad sa pagkahilig ng mga Pinoy sa Facebook, at dinala sa Pilipinas ang kanilang mobile app para mapadali ang paghahanap ng trabaho.
Inilunsad nitong Huwebes ang application na "FindWork" kung saan may mahigit 2,000 job postings ang puwede nang pagpilian mula sa 500 kompanya.
"Pag dinownload mo 'yung FindWork, meron dalawang option 'yun: puwede ka mag-link ng Facebook mo o maggawa ka ng bagong profile na parang gumagawa ka ng Facebook," ani Rommel Torres, country manager ng FindWork.
Mga trabaho sa service industry, hotel, at construction ang tampok sa app.
Mayroon ding chat feature kung saan maaari nang ma-interview ng employer ang aplikante na parang nagtsa-chat lang sa Facebook.
Target umano nito na mapabilis sa limang araw ang proseso upang alam agad ng aplikante kung shortlisted siya sa posisyon.
Libre ang paggamit sa app. Iyun nga lang, sa Android phones lang muna ito puwede, at sa Metro Manila at Calabarzon area lang ang mga naka-post na mga vacancy.
Nakipag-ugnayan na rin ang kompanya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para matulungan ang mga graduate nila.
Susubukan ng FindWork na maghanap ng mga trabahong malapit lang sa user para makatipid ang mga naghahanap ng trabaho sa pamasahe. —Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News
Gagalac R. (2018, August 30), App na Target Padaliin ang Paghahanap ng Trabaho Inilunsad, Retrieved From https://news.abs-cbn.com/news/08/30/18/app-na-target-padaliin-ang-paghahanap-ng-trabaho-inilunsad
_______________________________________________________________________________________________
Mga App sa Smartphone, Nagsusulong ng Pagiging Produktibo?
Madalas iniiwasan ng mga tao ang paggamit ng karagdagang digital na kagamitan, kapag kailangan nilang magtrabaho ng walang paggambala. Pero ayon sa isang eksperto sa produktibidad at lider ng market development sa Evernote, Tiang Lim Foo, maaaring maka-benepisyo ang paggamit ng ilang aplikasyon o "app" sa smartphone. Larawan: Koleksyon ng mga app sa smartphone (AAP)
Andrada E., (2015, July), Mga apps sa Smartphone, Nagsusulong ng Pagiging Produktibo?, Retrieved from https://www.sbs.com.au/yourlanguage/filipino/fil/audiotrack/smartphone-apps-boost-productivity?language=fil
Comments