_______________________________________________
Psychological Predictors of Problem Mobile Phone
Ang paggamit ng mobile phones ay may epekto tulad ng pagbaba ng self- esteem, pagkakasangkot sa mga aksidente dulot ng paggamit habang nagmamaneho o tumatawid at sa ibang mga kaso, nagdulot ng depression dulot ng mga natatamong cyberbullying sa mga social media sites na pwedeng mabukasan gamit ang sariling smartphone o iba pang aksidente na dulot ng maling paggamit ng mga smartphone (Bianchi, A. et. al; 2005).
Bianchi, A. et. al; (2005, Pebrero 25), Psychological Predictors of Problem Mobile Phone Use Vol 8. No.1
_______________________________________________________________________________________________
Mobile computing devices in higher education: Student perspectives on learning with smartphones, smartphones and social media
Ayon sa aklat nina Joann Gikas (Oktubre 2013) Ang paggamit ng mga smartphones at social media sa klase kasabay ng pagtuturo ng mga kurso ay may dalang benepisyo dahil nagkakaroon ng interaksyon, pagtutulungan, kolaborasyon pati na rin ang tinatawag na content sharing gamit ng social media at Web 2.0.
Gikas, J. et. al; (2013, Oktubre), Mobile computing devices in higher education: Student perspectives on learning with smartphones, smartphones and social media, Vol 19, pp 18-26
_______________________________________________________________________________________________
Loneliness as the Cause and the Effect of Problematic Internet Use: The Relationship between Internet Use and Psychological Well-Being,
Ayon sa aklat nina Kim Junghyun (Hulyo 2009), ang paggamit ng teknolohiya upang maging solusyon sa problema sa pyschosocial tulad ng stress o depression ay hindi nakakatulong bagkus mas lalo pa nitong pinalala ang dati ng problema sa pakikihalubilo sa ibang tao sa paaralan, trabaho at iba pang lugar pampubliko at mas lalo pang pinalala ang pagiging mapag isa ng isang indibidwal.
Kim, J et. al; (2009, Hulyo 25), Loneliness as the Cause and the Effect of Problematic Internet Use: The Relationship between Internet Use and Psychological Well-Being, Vol 12, No. 4
_______________________________________________________________________________________________
Mobile Apps for Science Learning: Review of Research
Ang paggamit ng mga apps sa pagtuturo ng asignaturang Agham ay sadyang epektibo lalo na't mas nakakaanyayang gumamit dahil sa mga iba't ibang disenyo at interface nito. Sa isang pag- aaral, mas tumaas ang lebel ng performance ng mga estudyante na gumamit nito (Mannheimer, J. et. al; 2016).
Mannheimer, J. et. al; (2016, Marso), Mobile Apps for Science Learning: Review of Research, Vol 94, pp1-17
_______________________________________________________________________________________________
Technology-Enriched Classrooms: Effects on Students of Low Socioeconomic Status
Ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa mga paaralang may mababang socioeconomic status ay may malaking kagandahang dulot. Sa isang pag-aaral na ginanap, meroong malaking pagbabago sa mga estudyanteng naturuan sa isang silid-aralan na may teknolohiya sa pagkakaroon ng mataas na kumpiyansa sa sarili, pagtaas ng pakikihalubilo sa iba at pagiging student-centered kaysa sa pagiging teacher-centered na ipinakita ng mga estudyanteng hindi naturuan sa tulong ng teknolohiya. (Page, M.; 2014, Pebrero 24)
Page, M.; (2014, Pebrero 24), Technology-Enriched Classrooms: Effects on Students of Low Socioeconomic Status, Vol 34, Issue 4, pp. 389-409
_______________________________________________________________________________________________
“Who Uses Facebook? An Investigation into the Relationship between The Big Five, Shyness, Narcissism, Loneliness, and Facebook Usage,” Computers in Human Behavior
Sabi nila Ryan at Xenos (2011), na sa pababago bago ng panahon at pag taas ng bilang ng mga aplikasyon sa smartphone, sila ay nagsaliksik ng pagkakarelasyon ng personalidad ng tao at sa paggamit ng aplikasyon sa smartphone.
Ryan, T., at Xenos, S (2011). “Who Uses Facebook? An Investigation into the Relationship between The Big Five, Shyness, Narcissism, Loneliness, and Facebook Usage,” Computers in Human Behavior (27:5) Elsevier Ltd, pp. 1658–1664
_______________________________________________________________________________________________
Comments